KALABOSO sa kinasang operasyon kontra iligal na kalakalan ng droga at baril ang isang negosyante sa bayan ng Indang, lalawigan ng Cavite.
Sa ulat ng Cavite Provincial Police Office sa punong himpilan ng pambansang pulisya, kinilala ang suspek sa alyas Flor Gil na residente ng Barangay Mataas na Lupa sa nasabing lokalidad.
Sa ulat ng lokal na pulisya, dakong alas10:40 ng gabi nang ilatag ng mga operatiba ang buy-bust operation laban sa suspek, matapos ang ilang araw na pagmamanman.
Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang nasa 55 gramo ng shabu (katumbas ng P374,000), isang kalibre 45 na kargado ng bala.
