WALA nang inabutan maski isang empleyado ang mga operatibang sumalakay sa isang establisyemento sa Cebu City kung saan umano nakabase ang operasyon ng scam hub.
Ang tanging nagawa ng Central Visayas Regional Police Office kundi ikandado na lang ang opisina sa Barangay Kasambagan sa naturang lungsod.
Gayunpaman, nilinaw ng pulisya na patuloy ang pangangalap ng ebidensya para sa pagsasampa ng kaso laban sa hindi tinukoy na personalidad. Kabilang anila sa gagamiting ebidensya ang mga nasamsam na computer, laptop at mga personal na gamit na inabutan sa nasabing establisyemento.
Ayon kay Cebu City Police Office Director Enrico Figueroa, pasok din sa isusumiteng ebidensya ang “leaked” CCTV footage na nag viral sa social media.
