PARA sa progresibong lupon ng mga mangingisda, hindi angkop na isakripisyo ng pamahalaan ang kabuhayan ng mga pamilyang nakasandig sa karagatan ang kabuhayan — para lang bigyan-daan ang joint military training sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Panawagan ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya), ibasura ang implementasyon ng ‘no sail zone’ mula sa Abril 25 hanggang 27, sa karagatang sakop ng lalawigan ng Zambales.
Ayon sa grupo, hindi dapat pagbawalan ang mga mangingisda na pumalaot lalo na peak fishing season ngayon.
“We demand that the three-day ‘no-sail zone’ in Zambales be aborted, for it will certainly affect the livelihood of small fishers from at least five coastal towns where the war games are being held,” apela ni Bobby Roldan, Pamalakaya vice chair sa Luzon.
“Our fishers can’t miss any chance to go offshore especially in this time of peak fishing season. No amount of aid pledged by the Armed Forces of the Philippines (AFP) can equate the immediate impact of a day without fishing for the fishers and their dependent families,” ani Roldan.
Giit ng Pamalakaya, hindi sapat ang ipinangakong ayuda ng pamahalaan para maitawid ng mga mangingisda ang pang-araw-araw na pangangailangan.
Wala rin umanong mabubuting idudulot ang war games — bagkus ay itutulak lang ang bansa sa isang digmaan.
“The government should prioritize the welfare of our small fisherfolk and their families over these unnecessary and provocative military exercises, which do not contribute to our national security.”