
BINIGYAN-DIIN ni former congressman at Civil Service Commission Chairperson Karlo Nograles na marami pang dapat gawin ang lokal na pamahalaan ng Davao City para iparamdam ang tunay na repesto at pangangalaga sa hanay ng mga kababaihan.
Kasabay sa pagdiriwang ng Women’s Month, sinabi ni Nograles na kabilang sa nakikita niyang dapat pagbutihin ng lungsod ang pagkakaroon ng support system para sa mga kababaihan, gayundin ang pagpapalakas sa Violence Against Women and Children (VAWC) desks sa bawat local police at government offices.
Bukod dito, inihayag ng three-termer Davao City 1st district congressman na dapat dagdagan ng lokal na pamahalaan ang pondo para sa Child Development Centers, pag-ibayuhin ang breastfeeding at nutrition programs, kung saan dapat ding magkaroon ng epektibong pagtalakay at pagresolba sa teenage pregnancy, at mapalawak ang employment at business training para sa mga kababaihan.
“Ang dami natin kailangan gawin. Davao City still has one of the highest teenage pregnancy rates in the country. This isn’t just a statistic—it’s a crisis that needs urgent action,” giit ni Nograles.
“We need comprehensive learning and livelihood options, especially for young mothers from low-income families, and a robust support system to ensure both mother and child receive adequate nutrition,” dagdag niya.
Bukod sa economic opportunities, sinabi ni Nograles na kailangan din palakasin ang paglaban sa domestic violence, workplace discrimination, at ang aniya’y hindi patas na access sa edukasyon.
“The list of challenges is long, so our solutions must be all-encompassing. Tutok ang kailangan dito—hindi lang lip service dahil dumating na naman ang Buwan ng Kababaihan,” pahayag pa ni Nograles.
“As a nation, we’ve made significant strides in advancing women’s rights, but the reality is that women—across all ages and backgrounds—remain vulnerable to abuse, violence, and discrimination,” panawagan ng former CSC head.
Paalala ni Nograles, ang mga kababaihan ay mayroong malaking papel na ginagampanan sa lipunan, mula sa pagiging ina ng tahanan, sila’y naglilingkod din sa bayan at bahagi sa pagpapatakbo ng negosyo.