NASA 600 drum (90,000 litro) ng hinihinalang smuggled na diesel ang nakumpiska ng pinagsanib na pwersa ng Coast Guard District Southwestern Mindanao sa Varadero Port, Cawit, Zamboanga City.
Sinabi na hinarang ang M/L Zshahuny II habang nasa aktong nagbababa ng mga drum ang mga trabahador.
Inaalam din ng PDEA-ZC kung may posibleng illegal na droga na nakapasok sa barko.
Sinabi ng ZC-Customs na umaabot sa 90,000 litro ng diesel at tinataya sa P5 milyon ang halaga ang nakumpiska.