
TIMBOG sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang isang aktibong pulis at tatlong kasabwat sa aktong pagbebenta ng 20 kilo ng shabu sa Baguio City.
Kinilala ang mga nadakip ang 45-anyos na police executive master sergeant at tatlong galamay na kinilala sa pangalang Teope, Laurente at Basillo.
Sa report ng PDEA-National Capital Region, bandang 11:02 ng Martes umaga (Marso 25), nang ikasa ang drug bust operation laban sa mga suspek sa South China Sea Green Valley Subdivision Barangay Dontogan, Benguet.
Nasamsam ng mga operatiba ang 20 piraso ng heat-sealed transparent plastic pack na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na may katumbas na halagang P136 milyon.
Nakumpiska rin sa mga suspek ang mga cellular phone, buy-bust money, baril, sasakyan, at mga identification card.
Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 of Art. II ng Republic Act 9165 na mas kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act. (LILY REYES)