WALANG puwang sa kampo ni Davao City mayoralty bet Karlo Nograles ang personalan sa pangangampanya.
Sa isang kalatas, tiniyak ni Nograles na nakatuon lamang ang kanyang kampanya sa paglalatag ng mga plano at plataporma para iangat ang antas ng kabuhayan ng mga Davaeño, kasabay ng pag-unlad ng lungsod.
Ayon sa dating chairman ng Civil Service Commission (CSC ), nakasentro sa mga botante ng lungsod ang istilo ng kanyang pangangampanya.
“We will work to make sure that every Davaoeño knows what we stand for, what our plans are, and how we intend to move Davao City forward,” wika ng former three-term congressman.
“Dapat klaro sa tao ano plano natin, saan tayo papunta, ano mararating natin,” dugtong ni Nograles na nagsilbi rin bilang chairman ng Civil Service Commission (CSC
“Paniniwala ko na we owe it to the electorate to present our vision and platform clearly—and that means reaching as many voters as possible, by any and all means available to us,” saad ni Nograles na isang abogado.
Tiniyak din ng long-time public servant na bukas sa lahat ng Davaoeños ang bawat campaign rallies, town hall gatherings, o maging ang paggamit ng modern digital platforms para malinaw sa lahat ang kanyang plataporma de gobyerno.
“This election is about the future of our city, and we believe it is our responsibility to be visible, to be present, and to be accessible to our voters. Especially during these times of confusion and uncertainty, people need to know and understand what is happening and what is going to happen, yung tunay at tapat, yung klaro,” paglalahad pa ni Nograles.
Sa ilalim ng kanyang plataporma na “choice, chance, change,” una nang ipinabatid ni Nograles ang pagnanais niyang magpatupad ‘digitalization program’ sa Davao City para mapahusay ang paghahatid ng iba’t-ibang serbisyo ng pamahalaang lungsod, gayundin ang makapag-engganyo ng mas marami pang negosyante, para makalikha ng mas maraming job opportunities para sa mga Davaoeño.
Nangako rin si Nograles na bubuhusan ng mas malaking pondo ang health at education sectors ng lungsod, kasama na rin ang pagpapatupad ng long-term solutions tungkol sa nararanasang pagbabaha at mabigat na daloy ng mga sasakyan.
