HINDI angkop na pangunahan ng Kamara ang imbestigasyon sa mga ghost projects, lalo pa’t nabisto ang P400-milyong pondo na umano’y ibinuhos ng isang kongresista para sa flood control project sa bayan ng Baliuag sa lalawigan ng Bulacan.
Sa ulat na unang lumabas sa Bilyonaryo News Channel, partikular na tinukoy si Construction Workers Solidarity (CWS) partylist Rep. Edwin Gardiola na nagbigay ng pondo kay dating Baliuag Mayor Ferdinand Estrella ilang buwan bago ang pagdaraos ng halalan noong nakaraang Mayo.
Dating kontratista si Gardiola.
Bago pa man sumingaw ang pangalan ni Gardiola, personal na nagtungo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Bulacan parsa inspeksyunin ang mga flood control projects ng DPWH sa naturang lalawigan. Dito na nabisto ang ghost project ang proyektong binuhusan ng P400 milyong pondo ni Gardiola.
Samantala, itinanggi ni Estrella (na vice-mayor na ng Baliuag) ang anumang kinalaman sa ghost flood control project sa nasasakupan sa panahon ng panunungkulan bilang punongbayan.
Wala pang pahayag ang kongresista.
