TANGING mga kandila at lusis ang nagsilbing liwanag sa mga tahanan ng mga residente Tacloban City at mga karatig bayan matapos mawalan ng kuryente dakong alas 10:00 kagabi sa mismong bisperas ng bagong taon.
Paliwanag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ang malawakang pagkawala ng kuryente ay dulot ng naputol na conductor na halos dalawang metro ang layo mula sa mga insulator sa Barangay Diit, Tacloban City sa kahabaan ng Babatngon-Apitong 69kV line.
Ayon sa mga residente, dakong alas 7:45 na kinabukasan (katumbas ng 10 oras) nang naibalik sa normal ang supply ng kuryente.
