BINALOT ng tensyon ang Marawi City Hall sa pagdating ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) para sa implementasyon ng warrant of arrest para kay Vice Mayor Annouar Romuros Abedin Abdulrauf.
Sa paunang ulat, dakong alas 9:30 ng umaga nang pasukin ng mga tauhan ng NBI ang city hall kasama ang Task Force Marawi, militar at mga pulis mula sa 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), the 1403rd and 1402nd Regional Mobile Force Companies (RMFC), and the Special Action Force (SAF).
Bitbit ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Ma. Rowena Violago Alejandria ng Caloocan Regional Trial Court Branch 121 para sa kasong murder, hindi naging madali ang pagdakip sa vice-mayor na pinalubutan ng mga taga suporta.
Gayunpaman, nagawa pa rin ng mga operatiba makuha ang vice mayor na pakay ng arrest warrant sa kabila pa ng barikada ng mga tagasuporta.
Inaasahan naman agad na dadalhin sa Maynila si Abdulrauf para harapin ang kaso. Hindi naman inilahad ng NBI ang detalye sa kaso ng opisyal.