KUMPIYANSA si dating Presidential Spokesperson Harry Roque na di siya masasaling ng Kamara sa The Netherlands kung saan nakatakdang litisin si former President Rodrigo Duterte para sa kasong crimes against humanity kaugnay ng madugong giyera kontra droga sa panahon ng panunungkulan sa Palasyo.
Sa isang pahayag, ibinahagi ni Roque ang paghahain ng asylum application sa naturang bansa — “I’m formally announcing that after a meeting today, I’m filing formally for asylum here at The Netherlands.”
Kabilang si Roque sa defense team na magtatanggol kay Duterte sa Setyembre 23 na hudyat ng pag-arangkada ng pagdinig ng ICC sa kasong isinampa ng pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings (EJK) sa likod ng kampanya laban sa kalakalan ng droga sa termino ng akusadong dating pangulo.
Pinili ni Roque pumuslit palabas ng Pilipinas matapos maglabas ng arrest order ang Kamara matapos siyang ma-cite in contempt sa congressional inquiry kaugnay ng mga illegal Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hubs.
Bukod kay Roque, kabilang rin sina Senador Robin Padilla at Vice President Sara Duterte sa mga nasa Netherlands para suportahan ang nakapiit na dating pangulo.
