SA halip na pakinabang, perwisyo ang dulot sa mga tao matapos bumigay at tuluyang gumuho ang isang bagong gawang tulay sa lalawigan ng Isabela.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, dalawang buwan pa lang mula nang buksan sa mga motorista ang Cabagan-Sta. Maria Bridge na umano’y isinailalim sa tinatawag na “retrofitting.”
Kasunod ng pagbagsak ng tulay, anim na katao ang kumpirmadong sugatan bunsod ng insidente, bukod pa sa dalawang nawawala – drayber ng trak at isang pahinante.
Sa datos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Office II, taong 2014 pa nang simulan ng kontratistang RD Interior, Jr. Construction ang paggawa ng Cabagan-Sta. Maria Bridge sa halagang P1.225 bilyon.
Pebrero ng kasalukuyang taon nang matapos ang proyekto.
Samantala, sinisi naman ng DPWH ang pagdaan ng isang dump truck sa pagbagsak ng bagong gawang tulay.
