SADYANG maganda at matalino ang mga Pinay. Ito mismo ang pinatunayan ni Isabelle delos Santos matapos itanghal na first runner-up na ginanap na Miss Aura International 2024 Beauty Pageant na ginanap sa lungsod ng Antalya sa bansang Turkey.
Itinanghal naman grand winner Miss Aura International 2024 ang pambato ng bansang Colombia na si Yuri Rei.
Sa question and answer portion, ipinamalas ni Isabelle ang galing niya sa pagsagot.
“Would you prefer to be rich or famous?” tanong sa kanya.
“I would rather be rich because I can use my money to create opportunities to uplift people. When we use our money well, we can allow people to prosper and eventually create a world that cultivates an aura of generosity and prosperity,” tugon ni Isabelle.
Bukod sa first runner-up finish, nakuha rin ni Isabelle ang pinakamataas na bilang ng suporta mula sa mga pageant fans sa nasabing bansa.
Taong 2021 nang masungkit ng Pilipinas ang korona sa naturang patimpalak kung saan itinanghal na grand winner ang pambato ng Pilipinas na si Alexandra Faith Garcia.
