HAYAGANG itinanggi ni former presidential spiritual adviser Apollo Quiboloy ang alegasyon ng panghahalay sa mga kababaihang miyembro ng itinaguyod na sekta.
Paglalarawan ni Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), bwelta lamang aniya ng mga babaeng di niya pinatulan ang tinawag niyang gawa-gawang kaso.
Sa isang pahayag na inilabas ng Sonshine Media Network International (SMNI), igginiit ng KOJC founder na siya’y pinag-aagawan ng mga babae.
“Ako po ay hindi nag-asawa. Ngayon ay inaakusahan ako ng napakaraming babae. Ito po ang kasalanan ko. Pinayaman ako ng Panginoong Diyos. Single ako, kaya pinag-aagawan ako.”
“Pagkatapos na ako ay maghi-hindi, mapapahiya, ibabaliktad nila sa akin. Iyan ang tinatawag kong Potiphar’s wife syndrome,” hirit ni Quiboloy na nahaharap sa mga kasong human trafficking, rape, sexual abuse, at child abuse.
