SA hangaring isulong ang adbokasiyang naglalayong hubugin ang mga mamamayan sa larangan ng edukasyon, negosyo at ekonomiya, pormal na naghain ng Certificate of Candidacy (COC) ang grupong Maharlika Pilipino Partylist para sa 2025 midterm election.
Sa isang maikling mensahe, inilatag ni Maharlika Pilipino first nominee Rosalie Balcon ang simulain ng grupo – ang itaas ang antas ng pamumuhay ng mga pamilyang sadlak sa kahirapan.
“Our goal is to make a difference. Sabayan natin isusulong ang mga panukalang sadyang akma para i-angat ang antas ng pamumuhay ng mga maralita.”
Kabilang rin sa mga nominado sina Dr, Alvin Sahagun at Dr. Ruben Flor na katuwang sa adbokasiya — karunungan, kabuhayan at kaunlaran.
