Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
PERSONAL na pinangasiwaan nina First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez ang pamimigay ng financial assistance para sa mga kwalipikadong miyembro ng LGBTQIA+ sa isang pagtitipon sa Mandaluyong City bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pride Month.
Sa ilalim ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) magkatuwang ang Unang Ginang at Speaker Romualdez sa pag-abot ng tig-P5,000 na cash aid sa nasa 5,000 miyembro ng pride community.
“The LGBTQIA+ community has long been a solid and vibrant partner in our nation’s journey toward progress and development. Today, we recognize and celebrate your vital role in nation-building,” pahayag ni Romualdez sa isang talumpati.
Ayon pa sa House Speaker, ang AKAP ay pagtupad sa pangako ng gobyerno na tutulungan ang mga nangangailangan, kasabay ng pagtitiyak na walang sektor na maiiwan sa kalinga ng pamahalaan.
“Para ito sa mga kababayan natin na nahihirapan sa hamon ng araw-araw na pamumuhay. Alam nating hindi permanente ang ating paghihirap, at darating ang panahon na makakaluwag tayo at aahon. Nawa ay makatulong ang AKAP sa inyo ngayon,” dagdag pa ni Romualdez.
“As we celebrate Pride Month, it is important to reflect on the values of acceptance, equality and love that bind us together. This is a symbolic gesture of our solidarity with the LGBTQIA+ community, reinforcing our resolve to create a society where everyone, regardless of their sexual orientation or gender identity, can thrive and prosper,” hirit pa ng kinatawan mula sa Leyte.
“You have been at the forefront of advocating for equal rights, and your efforts have significantly shaped a more inclusive Philippines. Today, we honor your contributions and pledge our continued support for your endeavors,” pagtatapos ni Speaker Romualdez.
Sa panig ni House Deputy Secretary-General Sofonias “Ponyong” P. Gabonada Jr., sinabi nitong ang mga benepisyaryo ng AKAP ay mula sa Mandaluyong City at mga miyembro ng LGBT Pilipinas sa Metro Manila.
Ani Gabonada, ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng P5,000 at food packs mula sa DSWD sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Mandaluyong College of Science and Technology sa Barangay Addition Hills.
Aniya pa, ang programa ay magkatuwang na inisyatiba ng LAB4ALL program ng Unang Ginang at ni Romualdez.
