October 25, 2025

saksipinas

Palaban, Walang Kinikilingan

PIYANSANG HIRIT NI ALICE GUO, TINABLA NG KORTE

SA likod ng rehas ng magdiriwang ng pasko at sasalubong ng bagong taon si former Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa resolusyon ng Pasig City Regional Trial Court (RTC), tinabla ng husgado ang petisyon ni Guo makapaglagak ng piyansa bunsod ng kasong qualified human trafficking kaugnay ng illegal POGO operation sa bayan ng Bamban.

Ayon sa korte, malakas ang ebidensyang ipinrisinta ng prosekusyon laban sa sinibak na alkaldeng nakapiit sa Pasig City Jail Female Dormitory.

Buwan ng Setyembre nang manindigan “not guilty” sa korte si Guo na nahaharap din sa iba pang asunto kabilang ang graft at material misrepresentation cases.