HIMAS-REHAS sng 10 katao matapos dakpin ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ikinasang operasyon sa Barangay Lumbangan, sa bayan ng Nasugbu sa lalawigan ng Batangas.
Sa naantalang ulat ng PDEA, dakong alas 2:00 ng madaling araw ng Abril 6 nang dakpin ang 10 indibidwal — kabilang ang tulak na target ng operasyon.
Kinilala ang arestadong suspek sa alyas na Bioman na pasok sa talaan ng target-listed drug personality, alyas Pido, alyas Wong, alyas Pin, alyas Mark, alyas Joseph, alyas Edgardo, alyas Michael, alyas Edison, at isang Angelito, na pawang residente ng Nasugbu, Batangas.
Nakuha sa mga inarestong suspek ang humigit kumulang sa 10 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P68,000, iba’t-ibang klase ng drug paraphernalia at buy-bust money.
Mga kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Section 6 (Maintenance of a Drug Den), Section 7 (Employee/Visitor of a Drug Den), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) and Section 12 (Possession of Drug Paraphernalia) ang kakaharapin ng mga suspek na ngayon ay nasa kustodiya na ng PDEA Region 4A Custodial Facility sa Santa Rosa City, Laguna.
