SA kauna-unahang pagkakataon, inamin ng Department of Education (DepEd) na sablay ang implementasyon ng senior high school (SHS) curriculum sa ilalim ng K to 12 program.
“Hindi maganda ang naging implementation nitong nakaraang dekada. Masyadong marami ang subjects at nakahon masyado ang mga bata. Hindi sila nakakapili ng subject,” wika ni Education Secretary Sonny Angara.
Isa umano sa dahilan ay ang mismong Kongreso na nagpatibay sa Republic Act 10533 (Enhanced Basic Education Act of 2013). Aniya, hindi angkop na hayaan ang Kongreso magpasya kung lulusawin ang SHS curriculum.
“Having said that, ang desisyon kung ipagpapatuloy ang SHS o hindi ay Kongreso lamang po ang makakapagsabi at makakapagpasya,” dugtong ng Kalihim.
Una nang iminungkahi ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang pagtanggal sa mandatory SHS level upang gawing mas makabuluhan ang sistema ng basic education sa bansa.
Sa inihaing Senate Bill 3001, target ni Estrada amyendahan ang RA 10533. (JIMMYLYN VELASCO)
