SANIB pwersa ang dalawang pinakamalaking pangalan sa magkaibang larangan para sa paglulunsad ng “Ganda ng Reyna” isang paligsahan sa kagandahan — pero may diin sa kalusugan.
Kasabay ng ika-40 anibersaryo ng PhilHair, pormal na inilunsad ni Ricky Reyes at SM Prime chairman Hans Sy ang 2025 Health & Beauty Caravan sa SM Mall of Asia sa Pasay City. Higit na kilala si Ricky Reyes sa pagtataguyod ng Ricky Reyes Salon.
Bukod sa pagiging hairdresser, kinikilala rin ng lipunan ang husay ni Reyes sa larangan ng negosyo. May programa rin si Reyes sa telebisyon — ang “Gandang Ricky Reyes.”
Nakatakda naman tumayo bilang kinatawan ng Pilipinas sa Asia-Pacific Hair & Beauty Olympics sa Taipei pagsapit ng buwan ng Oktubre ang tatanghaling wagi sa kompetisyon.
Katuwang ni Reyes sa naturang patimpalak ang iba’t ibang organisasyon nagtutulak ng adbokasiya sa wastong pangangalaga ng katawan at angking kagandahan ng mga Pinay.
