SA gitna ng patuloy na kontrobersiya kaugnay ng mga palpak na flood control projects, personal nag-inspeksyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isa sa mga proyekto kontra baha.
Kasama si Marikina City 1st District Rep. Marcy Teodoro at kabiyak na si Marikina City Mayor Maan Teodoro, partikular na tinungo ni Marcos ang Phase IV ng Pasig-Marikina River Channel Improvement Project.
Direktiba ng Pangulo sa DPWH, paspasan ang paggawa sa naturang imprastraktura. Batay sa impormasyong nakalap ng Saksi Pinas, anim na taon pa bago matapos ang nabanggit na proyekto.
Bukod sa mag-asawang Teodoro, kasama ni Marcos sa inspeksyon si Sec. Anton Lagdameo na tumatayong Special Assistant to the President, Marikina City 2nd District Mira Quimbo at mga opisyal mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Para sa Pangulo, malaking bentahe ang River Channel Improvement Project kontra baha sa mga lungsod ng Pasig, Marikina at Quezon City na pawang lumubog sa baha bunsod mabigat na buhos ng ulan na dala ng sunod-sunod na bagyo nito lamang nakalipas na buwan ng Hulyo. (EDWIN MORENO)
