SA pagpasok ng Semana Santa, hindi muna papasada ang mga tren ng Metro Rail Transit – Line 3, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Ang dahilan — ang pagsasagawa ng taunang maintenance na ikinasa mula Abril 2 hanggang Abril 5.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, hindi tatakbo ang mga tren upang bigyang-daan ang inspeksyon at pagkukumpuni ng mga bagon, riles at iba pa, para tiyakin ligtas at maayos na serbisyo para sa mga pasahero.
Inaasahan naman balik sa normal na operasyon ang MRT-3 pagsapit ng April 6 ng kasalukuyang taon.
