HINDI na umabot pang buhay sa pagamutan ang isang security escort ni Manila City Mayor Isko Moreno matapos tambangan ng riding-in-tandem sa Tondo.
Sa ulat ng Manila Police District (MPD), kinilala ang 56-anyos na biktimang si George Capistrano na residente ng Balut, Tondo.
Dedo ang isang security escort ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Tondo, Manila nitong Linggo ng madaling araw, ayon sa Manila Police District (MPD).
Kinilala ang biktima na si George Capistrano, 56 anyos, retiradong pulis at residente ng Barangay 134, Balut.
Ayon sa pulisya, nangyari ang pamamaril dakong alas-12:00 ng hatinggabi sa harap mismo ng bahay ng biktima sa panulukan ng Salonga at Buendia street.
Sa kuha ng CCTV, ang biktima ay binaril nang malapitan ng dalawang armadong indibidwal na sakay ng motorsiklo. Mabilis naman tumakas ang mga suspek, habang dinala naman sa Tondo Medical Center ang biktimang idineklarang dead on arrival.
Ayon sa misis niyang si Andrea, narinig niya ang dalawang putok habang nasa loob ng bahay at nang lumabas ay nakita niyang nakahandusay na sa kalsada ang asawa.
Patuloy ang imbestigasyon upang tukuyin ang motibo at maaresto ang mga salarin.
