SADYANG mahirap kumilatis ng pagkatao sa hanay ng mga politikong tila maamong tupa sa tuwing humaharap sa publiko.
Sa isang pambihirang pagkakataon, isang kongresista ang sinampahan ng reklamong paglabag ng Republic Act 9262 (Violence Against Women and Children Act of 2004) sa Department of Justice (DOJ). Ang biktima — isang Aileen Claire Riate-Olivarez, na asawa ni Paranaque City Rep. Eric Olivarez.
Partikular na idinulog ni Riate-Olivarez ang umano’y psychological abuse na dulot ng asawang congressman mula pa nang ikasal taong 1997.
Ayon sa ginang, sinubukan pa niya umano ayusin ang kanyang relasyon sa umpisa — “Syempre bilang asawa tina-try na sana maayos pa ang relasyon, so hindi ko masyado binigyan ng pansin dahil pakiwari ko magbabago naman eh.”
Ngunit nagbago umano ang kanyang desisyon matapos ang isang insidenteng nangyari sa kanilang bahay sa Baguio City na lubhang nakaapekto sa kanilang anak – “Dito ko nakuha ang lakas ng loob na magsampa ng reklamo.”
Dalawang linggo na ang nakalipas nang sampahan ng ethics complaint sa Kamara ang naturang kongresista.
