NAGPAPAHIWATIG ng panibagong panganib ng pagputok ang Bulkang Mayon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa datos ng Phivolcs, hindi bababa sa 51 volcanic earthquake ang naitala sa loob ng 24 oras. Ang mga pagyanig ay tumagal umano ng dalawa hanggang 45 minuto.
Bukod sa volcanic earthquakes, nakapagtala rin ang Phivolcs ng 399 rockfall incidents at anim na density current signal o uson.
Naispatan din ng ahensya ang 3.8 kilometrong pagdaloy ng laba sa Basud, 3.2 kilometro sa Bonga, at 1.6 kilometro sa Mi-isi gully na may panaka-nakang strombolian activity at lava fountaining.
Nananatili sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon.
