USAP-USAPAN sa lalawigan ng Tarlac ang umano’y planong pagpasok sa politika ng bunsong anak ni Kris Aquino.
Sa isang Facebook post, nakunan ng larawan ang aktwal na pagpaparehistro ni James Carlos “Bimby” Aquino sa Tarlac City Convention Hall bilang botante noong Mayo 18.
Sa naturang larawan, sinamahan ni Tarlac City Mayor Susan Yap ang 19-anyos na pamangkin ni yumaong dating Pangulo Noynoy Aquino tanggapan ng Comelec.
Mabilis din kumalat ang haka-haka sa umano’y planong pagtakbo ni Bimby bilang chairman ng Barangay Central (Tarlac City) sa nalalapit na halalan para sa Sangguniang Kabataan.
