KALABOSO ang kinahantungan ng limang Koreano matapos mabisto ilegalna negosyong iniuugnay sa online gaming, sa lungsod ng Imus sa lalawigan ng Cavite.
Batay sa impormasyong ibinahagi ng National Bureau of Investigation (NBI), dinakip ang mga hindi pinangalanang Koreano na umano’y sangkot sa tinatawag na illegal online game farming.
Nag-ugat ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon kaugnay ng umano’y “farming” activities na ginagawa ng mga dayuhan gamit ang “Lineage Classic,” isang Korean online multiplayer role-playing game.
Sa naturang laro, ginagamit ang virtual currency na “Adena” para sa pagbili ng in-game items at assets na umano’y ibinibenta rin kapalit ng totoong pera sa mga secondary market.
Sa bisa ng search warrant, tuluyang pinasok ng mga operatiba ang ikalawa at ikatlong palapag ng isang gusali sa Barangay Buhay na Tubig sa Imus City.
Dito na tumambad ang nakahanay na computers ang mga Pinoy na empleyado ng dayuhang amo. Arestado sa naturang operasyon tatlong Korean nationals na pinaniniwalaang nasa likod ng nasabing illegal online game farming.
Kasong paglabag sa Anti-Financial Account Scamming Act at Social Security Act ang kinakaharap ng mga suspek.
