KALABOSO ang ending ng isang guro matapos dakpin ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Ballesteros sa lalawigan ng Cagayan.
Narekober mula sa hindi pinangalanang suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na limang gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P34,000.
Batay sa ulat, ikinasa ng PDEA Cagayan Provincial Office — katuwang ang pulisya, ang operasyon makaraang makatanggap ng timbre sa umano’y pagbebenta ng droga ng suspek.
Kasalukuyang nakapiit ang titser na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
