SA halip na promosyon, namumuro sa kasong administratibo ang anim ng opisyales ng Philippine National Police (PNP) na nakatalaga sa lalawigan ng Negros Oriental. Sa impormasyong ibinahagi ng Ang basehan PNP Public Information Office, sinibak sa pwesto ang provincial director ng Negros Oriental Police Provincial Office at anim na chiefs of police matapos makumpirma ang pamamayagpag ng jueteng sa nasabing lalawigan. Bilang patunay, ipinrisinta ang anim na kataong dinakip sa magkakahiwalay na anti-illegal gambling operation na ikinasa ng Regional Special Operations Group ng Police Regional Office-Negros Island Region (PRO-NIR) sa mga bayan ng Ayungon, Tayasan, Sibulan, Pamplona, Bayawan at Guihulngan sa nabanggit na lalawigan. Paalala ang pamunuan ng pambansang pulisya, mahigpit na ipinapatupad ang “One-Strike Policy” laban sa ilegal na sugal. Matapos ang sibakan, itinalaga naman ang deputy regional director for operations ng PRO-NIR bilang officer-in-charge ng Negros Oriental Police Provincial Office. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Surigao del Norte, inuga ng magnitude 5.2 lindol Lalaki todas, nahulog sa manhole na walang takip