ISANG panibagong lindol ang yumanig sa Mindanao, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa impormasyong ibinahagi ng Phivolcs, may lakas na magnitude 5.2 ang lindol na tumama sa bahagi ng Surigao del Norte dakong alas 12:00 ng tanghali nitong Lunes, Agosto 31.

Ayon sa ahensya, naitala ang lindol sa layong 37 kilometro northeast ng General Luna. Tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim na 10 kilometro.

Nagbabala ang Phivolcs na posibleng makaranas ng mga aftershock ngunit walang inaasahang pinsala sa mga ari-arian dahil sa naturang lindol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *