MAGKAKAROON ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Disyembre 5. Sinasabing magkakaroon ng pagsirit ng P0.10 hanggang P0.39 kada litro ang presyo ng gasolina. Samantala, ang presyo ng kerosene ay maaaring manatiling o tumaas ng humigit-kumulang P0.20 kada litro. Maaaring makahinga ng maluwag ang mga motoristang gumagamit ng diesel dahil inaasahang bababa ang presyo ng P0.30 hanggang P0.60 kada litro. Tumutugma ito sa mga pagtataya ng mga ekspertong nagsabing magkakaroon ng pagtaas sa susunod na linggo. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Pinas aangkat ng 21,000MT sibuyas para sa Kapaskuhan Inflation ng Pinas mas bumaba pa sa 4.1%