Ni LILY REYES
SA hangaring ibsan ang pagsisikip at matinding alinsangan sa lumang kulungan, pinaspasan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang paglilipat ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa bago at mas makataong hoyo sa Barangay Payatas, Quezon City.
Ayon sa BJMP, ligtas na nakalipat sa bagong Quezon City Jail ang 636 bilanggo – ang ikatlong batch mula nang simulan ang lipat-bahay ng mga preso.
Sa kabuuang, umabot na sa 1,198 PDLs ang dinala sa bagong pasilidad, bilang bahagi ng jail decongestion program ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Paglalarawan ng BJMP, hindi hamak na mas maginhawa ang limang-palapag na bagong Quezon City Jail – Male Dormitory na may 440 selda.
Kumpara sa lumang pasilidad, ang bagong QC Jail Male Dormitory ay may tatlong
Target ng BJMP ilipat din ang nalalabing 2,981 PDLs na nasa lumang kulungan sa mga susunod na buwan.
