INARESTO ng Philippine National Police ang dalawang sundalo ng Philippine Army at dalawang pulis ng Philippine National Police (PNP), kasabay ng tatlong sibilyan sa walang habas na pagpapaputok ng baril nitong nakaraang holiday.
Sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na nakapagtala ng pitong insidente ng pagpapaputok simula noong Disyembre 16.
Isa ang iniulat na sugatan sa pagpapaputok habang lima katao ang arestado at nahaharap sa illegal discharge of firearms, ayon pa sa opisyal. Kinumpiska rin ang baril ng lima, kabilang ang sundalo at pulis.
Dalawang suspect pa ang hinahanap. Sinabi ni Fajardo na noong nakaraang taon, mayroong 26 insidente ng illegal discharge of firearms at 10 katao ang sugatan.
Naganap ang pagpapaputok ng mga PNP members sa Metro Manila at Davao Region.
Isa sa mga nagpaputok ang mayroong problema sa pamilya at nagpaputok pababa ng tatlong beses habang ang isa ay nagpaputok ng baril upang awatin ang magulong grupo sa sabong, ayon pa kay Fajardo.