ITINIGIL na ng Department of Health (DOH) ang distribusyon ng Covid-19 vaccine dahil ubos na ang donasyon at mga bakunang binili ng gobyerno.
Sinabi ni Health Assistant Secretary Beverly Ho, tapos na ang pamimigay ng gobyerno ng Covid-19 vaccines na donasyon ng Lithuania noong Agosto. Ayon pa sa DOH, wala nang balak ang gobyerno na bumili ng bagong batch ng COVID-19 vaccines.
“Kami sa DOH program, the last we rolled out was bivalent vaccines, which were just… a little less than 400,000, and that’s already consumed,” sabi ni Ho sa House Committee on Public Order and Safety sa House hearing nitong Martes. “Mayroon silang market authorization, pero it is already dependent on whether the private sector will import it,” dagdag pa nito.
“Because the (monovalent) vaccines are expiring or have expired and have not gotten extension permits, then technically, no one can vaccinate anyone using those vaccines.”
Umaabot sa 78.4 milyong Filipino ang bakunado na laban sa Covid-19 at 23.8 milyon naman ang nakatanggap ng isang booster.