HINDI pa man nalulusutan ang mga kinakaharap na kaso, panibagong sakit ng ulo ang nakaamba sa isang dating mambabatas na umano’y nasa likod ng destabilization plot laban sa gobyerno.
Partikular na tinukoy ni Palace Press Officer Claire Castro si former Anakalusugan partylist Rep. Mike Defensor
Gayunpaman, nilinaw ni Castro na hindi lang si Defensor ang nagplanong pabagsakin ang administrasyong Marcos.
Pag-amin ng opisyal, may mga prominenteng opisyal na kasama sa planong patalsikin sa Palasyo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Hindi naman sinabi ni Castro kung may kinalaman ang impormasyon sa pagbawi sa testimonya ng apat na ex-Marines na nagtatrabaho bilang security personnel ni dating Ako Bicol partylist Rep. Zaldy Co.
Sa joint affidavit ng mga dating sundalo, kabilang si Marcos sa mga sinasabing dinalan ng maleta-maletang pera mula sa kickback sa flood control scandal.
