BAGO pa man matapos ang taon, muling kinalampag ni Senador Alan Peter Cayetano ang Department of Education Central Office Project Management Office (DepEd PMO) sa kabiguan resolbahin ang kakulangan ng silid-aralan sa buong bansa.
Sa isang kalatas, iginiit na Cayetano na trabaho ng DepEd PMP pangunahan ang paglutas sa aniya’y balakid sa pag-unlad ng kabataan.
Partikular na tinukoy ni Cayetano sa deliberasyon ng Senate Bill 1482 (Classroom-Building Acceleration Program Act, na akda ni Senador Bam Aquino na dapat DepEd PMO ang tumugon sa 165,000 classroom backlog.
Hindi rin aniya dapat limitahan ng naturang tanggapan ang trabaho bilang tagasuri o taga-apruba ng sa construction proposal.
“Can we make it more proactive? … The PMO shall take the lead, although they can approve (proposals), but they shall take the lead (in addressing) the national classroom shortage program at the fastest time in the most effective manner,” wika ni Cayetano.
Layunin ng CAP Act na tugunan ang backlog sa silid-aralan sa pamamagitan ng pagpapakilos sa local government units (LGUs) at kwalipikadong non-government organization bago lumala ang problema dahil sa kawalan ng aksyon.
Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng awtorisasyon ang mga LGU at NGO na magtayo ng mga silid-aralan gamit ang pondo ng pamahalaan, alinsunod sa mga pamantayan at alituntunin na itinakda ng DepEd.
Para kay Cayetano, mapipilitan kumilos and DepEd sa halip na maghintay ng mga panukala kung babaguhin ang mandato nito mula sa “review and approve” lamang sa aktibong “pag-pursue” ng mga proyekto.
“How do you deal with a crisis? You can’t just let it pass, you have to do something proactive… Instead of ‘review and approve,’ something like shall ‘pursue’… It will be symbolic (for the PMO) kasi sa ‘shall review and approve project proposals’ para bang sila pa maghihintay na may proposal… This mandate would make them get things done,” paliwanag ng senador.
Matapos tanggapin ni Aquino ang amendment, inaprubahan na ng Senado ang CAP Act sa ikalawang pagdinig.
Nagpasalamat si Cayetano sa sponsor ng panukalang batas at sinabing ang kakulangan sa silid-aralan ay “isang napakahalagang isyu sa lahat” at dapat na matugunan nang madalian. (ESTONG REYES)
