HINIMOK ni AGRI Partylist Rep. Manoy Wilbert Lee ang Department of Agriculture (DA) na gawing simple ang aplikasyon at gawing doble ang halagang ibibigay sa mga magsasaka at mangingisda sa ilalim, ng Survival and Recovery (SURE) Assistance Program ng ahensya.
Ayon kay Lee, mula sa kasalukuyang P25,000 cap, dapat pataasin sa halagang P50,000 ang matatanggap ng mga local farmers at fisherfolks na nasalanta ng kalamidad.
“Taon-taon, hinaharap ng ating mga magsasaka at mangingisda ang kalbaryong dala ng bagyo, baha at tagtuyot sa kanilang kabuhayan. Sa panahon ng kalamidad, nawawala sa isang iglap ang kanilang mga pinagpaguran at pinaglaanan ng puhunan,” wika ni Lee.
“Pagkatapos ng sakuna, ang kadalasang naiiwan sa kanila ay utang at lalong pagkabaon sa kahirapan. The current ₱25,000 is simply not enough for them to rebuild and recover,” dagdag ng Bicolano solon.
Taong 2017 nang ipatupad ang SURE Program para bigyan ng “financing access” ang sektor ng agrikultura sa tuwing may kalamidad.
Bukod sa zero interest na tampok sa naturang programa, hindi rin kailangan magprenda ng kolateral sa pautang na pwedeng bayaran sa loob ng tatlong taon. Meron din aniyang one-year moratorium sa loan payment sa ilalim naman ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) program.
Diin ng kinatawan sa Kamara ng relectionist partylist group, dapat mai-adjust ang maximum loanable amount ng naturang programa upang maging akma sa tumataas na cost of productions.
“Malaki na ang itinaas sa presyo ng mga binhi, fertilizers at mga gamit sa pagsasaka at pangingisda, isama pa ang nakakalula pa ring presyo ng gasolina. Doubling the loanable amount to ₱50,000 under SURE Program will give farmers and fisherfolk a fighting chance to rebuild their livelihoods,” apela ni Lee.
“This is not just about loans for our farmers and fisherfolk whom we consider our ‘food security soldiers’. This is about achieving cheaper food prices, ensuring food security and protecting the backbone of our economy,” pahabol ng AGRI partylist lawmaker. (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)
