
Courtesy: Manila STV
Ni Lily Reyes
IDINAOS kahapon ang kauna-unahang National Firefighters’ Forum na ipinasilidad ng Directorate for Operations sa ilalim ng pamumuno ni Fire Chief Superintendent Felixberto Abrenica.
Layunin ng forum na paghusayin pa ang emergency response protocols at palakasin ang road safety para sa isang mas ligtas na Pilipinas.
Ang forum na tumalakay sa mahahalagang isyu ay isinagawa sa Gen. Linsangan Hall, ng Bureau of Fire Protection (BFP) – National Headquarters.
Nabatid na si Atty. Margarita N. Guttierez, Undersecretary for Plans, Public Affairs, and Communication, ng Department of the Interior and Local Government (DILG), ang nagsilbing Guest of Honor ng aktibidad. Lumahok din sa forum at nagbigay liwanag sa mahahalagang paksa ang mga speakers na sina Mr. Charlie Apolinario A. Del Rosario, hepe ng Field Enforcement Division, Land Transportation Office (LTO) na tumalakay sa Traffic Rules and Regulations; at Mr. Miguel E. Panal, Lecturer sa Metro Manila Development Authority (MMDA) na tumalakay sa Emergency Vehicle Registration and Road Safety. Auxillary Organization and Accreditation Systems naman ang tinalakay ni Fire Senior Inspector Gabriel Solano, hepe ng Material Production and Development Section/ Chief, Information and Education Section (Directorate for Fire Safety Enforcement) habang Harmonization of the Running Card System ang tinalakay ni Fire Senior Superintendent Rodrigo N. Reyes, DSC, Assistant Regional Director for Operations, BFP-National Capital Region (NCR).
Dumalo rin sa kumperensiya ang mga kinatawan ng iba’t ibang Filipino Volunteer Firefighter groups.