MANANATILING walang kwenta ang healthcare system sa Pilipinas hanggat hindi napapalitan ang pamunuan ng Department of Health (DOH).
Sa isang manifesto, nanawagan ang Philippine Medical Students’ Association (PMSA) kay Health Secretary Teodoro Herbosa na magbitiw na sa pwesto bunsod ng mahabang bulilyaso sa pinamumunuan departamento.
Higit pa sa anila’y kapalpakan Herbosa, dapat rin umano harapin ng Kalihim ang santambak na kasong inihain sa Office of the Ombudsman.
“The Philippine Medical Students’ Association calls on Dr. Teodoro Herbosa to step down as Health Secretary and be held accountable over numerous complaints and incompetent administration,” saad sa isang bahagi ng pahayag ng PMSA.
Ayon sa grupo, tatlong taon matapos italaga bilang kalihim, bigo si Herbosa gampanan ang nakaatang na mandato — ang paglalatag ng makabuluhang hakbang tungo sa pagkamit ng isang “genuinely healthy Philippines”.
Binanggit din ng PMSA ang mga reklamong isinampa laban sa DOH chief mula pa taong 2024.
Kinuwestyon din ng PMSA ang basehan sa pagtatalaga ng Pangulo kay Herbosa na sinasabing nasibak noong 2018 bilang Health Undersecretary matapos mabisto ang katiwalian sa likod ng isinusulong na privatization ng mga pampublikong pagamutan.
“The allegations and formal complaints, from his colleague themselves, are clear and objective basis that the Secretary should be placed under preventive suspension at present, and be removed from office and be held into account, once proven guilty of corruption, graft, or malversation,” giit ng PMSA.
“Habang maraming Pilipino ang nagtitiis sa mahabang pila para sa medical assistance at namatay dahil sa mga sakit na maaari sanang maiwasan, ang DOH sa ilalim ni Herbosa ay garapalang nilulustay ang pondo ng kagawaran para sa sariling kapakanan.”
blatantly misusing public funds” at nakakalimot sa mandato nitong pangalagaan ang kalusugan ng mamamayan.
