![](https://saksipinas.com/wp-content/uploads/2023/03/teves.jpg)
SA hangarin makumbinsi si Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves na bumalik sa Pilipinas para harapin ang patong-patong na kasong isinampa sa husgado, nagpahayag ng kahandaan ang Philippine National Police (PNP) na bigyan ng bodyguard ang kongresistang nagtatago sa ibang bansa.
“We assure the family and loved ones of Congressman Teves na the PNP and other government forces are more than willing to provide security to him and hindi na niya kailangan mag-request,” ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo.
Pag-amin ni Fajardo, wala siyang impormasyon kung merong pormal na kahilingan ang kongresistang suspek sa pamamaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
“But the PNP’s deputy chief of operations has volunteered to provide security to the congressman,” ani Fajardo.
Gayunpaman, nananatiling walang linaw kung babalik pa sa Pilipinas si Teves sa Pilipinas sa pagkapaso ng kanyang travel authority clearance na inisyu ng Kamara.
“He (deputy chief of operations) would make sure that there would be a provision of dedicated security coming in front of the PNP as soon as he arrives here in the Philippines so we can secure him as soon as he arrives here,” pahayag ni Fajardo.
Una nang nanawagan si House Speaker Martin Romualdez kay Teves na umuwi at harapin ang mga kasong kriminal kaugnay ng mga patayan sa Negros Oriental.
Tugon naman ni Teves, nakatanggap siya di umano ng impormasyon na ‘ididiin’ siya sa isang krimen na wala siyang kinalaman.