BINALAAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) ang mga kolorom na school bus sa pagbubukas ng klase sa Agosto 29.
Babala ni LTFRB Executive Director Roberto Peig, hindi na dapat tangkilikin pa ng mga magulang ng estudyante ang mga kolorum na sasakyan upang maiwasan ang aberya sakaling masangkot sa aksidente habang sakay ang mga bata.
Aniya, delikado umanong gamitin ang mga kolorum dahil hindi sumailalim ang mga ito sa pagsusuri ng LTFRB na posibleng magdulot ng peligro sa mga pasahero.
Kasabay nito, tiniyak rin ni Peig na may sapat na public utility vehicles sa pagbabalik-eskwela para maghatid sa mga mag-aaral sa patungo sa paaralan at pauwi sa kani-kanilang tahanan.
Nagpaalala naman ang LTFRB sa mga driver ng mga pampulikong sasakyan sa pagbibigay ng 20 porsyentong diskwento sa pasahe ng mga estudyante.
May nakalatag na rirn aniyang mga hakbangin ang mga local transport groups sa mga local government units para matiyak na magiging ligtas, maayos at mapayapa ang pagbabalik eskwela sa Martes.