WALANG kahirap-hirap na nakalusot sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang batas na naglalayong dagdagan ang allowance ng mga guro sa lahat ng pampublikong paaralan.
Sa botong 22 pabor, pinagtibay sa plenaryo ang Senate Bill 1964 (Kabalikat sa Pagtuturo Act) na naglalayong bigyan ang mga guro ng bukod na allowance na gagamitin sa pambioi ng mga kinakailangang supplies sa pagtuturo.
Sa sandaling ganap na maisabatas, P7,500 kada taon ang ilalaan para sa unang taon ng implementasyon. Papalo naman sa 10,000 ang teaching supplies allowance pagsapit ng school year 2024-2025.
Sa ilalim ng umiiral na panuntunan, P5,000 lang kada taon ang binibigay ng pamahalaan para sa teaching supplies ng mga public school teachers.
Kabilang sa mga karaniwang inaabonohan ng mga guro ang pambili ng chalk, papel at maging ang internet load na gamit sa pagtuturo.
Sa kasalukuyan ay nasa P5,000 lamang ang allowance para sa pagbili ng mga guro ng kanilang mga kagamitan sa pagtuturo.