Ni ESTONG REYES
SA gitna ng pagsisikap ng administrasyon humanap ng pondo para pantustos sa mga makabuluhang programa at proyekto ng pamahalaan, may ilang mga opisyales na nakuha pang gamitin ang pwesto para sa engrandeng bakasyon kasama ang buong pamilya sa mga lalawigan na pinupuntahan.
Pagsisiwalat ni Senador Chiz Escudero, bagamat bahagi ng trabaho ng mga opisyales ng Commission on Higher Education (CHED) ang pagbisita sa mga state colleges and universities (SUC), hindi naman aniya angkop na isama ang kani-kanilang pamilya.
Sa isang pahayag, nanawagan si Escudero sa pamahalaan na higpitan ang CHED, partikular sa mga gastusin ng mga commissioner na di umano’y dumadalas ang pagpupulong sa SUCs kasama ang pamilya na ginagastusan ng dinalaw na pamantasan.
Ginawa ni Escudero na tumatayong chairman ng Senate Committee on Higher and Technical Education, ang pagsisiwalat sa ginanap na pagdinig sa panukalang 25 education bills.
“One of the complaints against a commissioner was that he was conducting more than the regular meetings at the expense of the SUCs. And number two, that he was being accompanied by not only members of his family but also more than enough staff that the commissioner actually needs, again, at the expense of the SUC,” ayon sa senador na tumutukoy kay dating CHED commissioner Joe Mark Libre, na sinibak ng Office of the Ombudsman sanhi ng nepotism.
“So perhaps, it is time that CHED issue a memorandum regulating what will be charged against SUCs in cases of meetings held on-site and what will be charged against CHED, and what should be charged against the personal account of the CHED official,” aniya.
Hinimay ni Escudero sa pagdinig ang per diems na hinihingi ng bawat commissioner na dumadalo sa anumang meeting.
Aniya, hindi na dapat naningil ng per diem kapag isinagawa ang meeting sa Metro Manila.
“If the hearing or meeting is going to be conducted within CHED premises, or within Metro Manila, utang na loob, wala na dapat per diem ang commissioner. Some SUCs give that is why when I appointed my representatives to the various SUCs, I told them that they are not allowed or authorized to receive anything. That’s a strict order,” ayon pa sa senador.
Base sa datos ng CHED, nasa 112 ang kabuuang bilang ng bilang ng mga SUCs (bukod pa sa mga satellite campuses) na nagbibigay ng libreng matrikula.
