WALANG pahintulot ang bentahan ng mga booklets at workbooks para sa Catch-up Fridays sa mga pampublikong paaralan, ayon sa Department of Education (DepEd) kasabay ng giit na hindi angkop paglabasin ng pera ang mga estudyante sa anumang aktibidad sa pag-aaral.
“The Department reiterates that such acts are strictly prohibited. Catch-up Fridays and other school activities must not involve out-of-pocket costs. Parents and learners are reminded not to accommodate and patronize such unauthorized transactions,” saad ng DepEd sa isang pahayag.
Ayon sa DepEd, may mga reklamong inihain sa departamento hinggil sa pagbebenta ng ilang school personnels ng mga workbook para sa Catch-up Fridays at iba pang aktibidad.
“Any individual found guilty of such a scheme shall face appropriate administrative sanctions,” babala ng kagawaran.
Buwan ng Enero nang simulan ng DepEd ang implementasyon ng Catch-up Fridays sa hangarin paghusayin ang reading skills at academic performance ng mga mag-aaral.
