Ni JIMMYLYN VELASCO
KUMPYANSA ang Department of Education (DepEd) na kakatigan ng Palasyo ang mungkahi para sa mas maagang pagtatapos ng klase sa susunod na taon bunsod ng matinding init na dinaranas ng mga mag-aaral.
Ayon kay Education Assistant Secretary Francis Bringas, lumihan na ang DepEd sa Office of the President hinggil sa nasabing kahilingan.
“Nonetheless, in response to the recent clamor for a more immediate reversion to the April-May school break, the Department has already submitted a letter to the Office of the President presenting other options including a more aggressive alternatives of ending school year 2024 to 2025 in March,” wika ni Bringas.
Sa ilalim ng direktibang inilabas ng kagawaran noong Pebrero, magsisimula ang klase sa Hulyo 29, 2024 at magtatapos naman pagsapit ng Marso 24, alinsunod sa planong pagbabalik ng school calendar na sadyang binago ng nakaraang administrasyon matapos ang dalawang taong pananalasa ng pandemya.
Dagdag pa ng DepEd official, wala nang tinatawag na make-up classes sa mga nalalabing panahon ng school year 2023 – 2024 lalo pa’t pinaiiral na di umano ng departamento ang alternative delivery modes (ADM).
“No more additional make-up classes because while they are on ADM, those are counted as school days,” dugtong pa ni Bringas.
Kamakailan lang, inihayag ng DepEd ang pagdaraos ng National Learning Camp na pamalit sa mga araw na kanselado ang face-to-face classes dahil na rin sa banta ng mataas na antas ng heat index na nararanasan sa iba’t ibang panig ng kapuluan.
