PUSPUSAN at paspasang pagdinig at deliberasyon ang pangako ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa kaugnay ng nakabinbin panukalang Mandatory Reserved Officers Training Course (ROTC) sa kolehiyo.
Bukod sa kolehiyo, pasok rin sa panukalang isinusulong ni dela Rosa ang pwersahang pagsasailalim sa military training ng mga estudyanteng kumukuha ng technical at vocational courses.
“Nakakahiya na kay Pangulong Bongbong Marcos, last SONA pa ‘yan hiningi sa atin, hindi pa natin natapos. Mag-second SONA na siya hindi pa rin natapos, so dapat sa third SONA niya tapos na ito,” ani dela Rosa sa isang panayam sa radyo.
Taong 2022 nang tuluyang ipinatigil ng gobyerno ang ROTC training bunsod ng pagpanaw ni University of Santo Tomas student Mark Chua kaugnay ng ginawang pagsisiwalat ng mga anomalya sa pagsasanay.