ARESTADO sa mga tauhan ng Criminal Investigation Group ng Philippine National Police (CIDG-PNP) ang isang 58-anyos na guro sa loob mismo ng University of the Philippines (UP) sa Diliman, Quezon City. Kasong kasong paglabag sa Social Security Law ang nagtulak sa mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit para dakpin si Professor Melania Lagahit Flores sa kanyang tahanan sa loob ng UP Compound bandang 11:45 Lunes ng umaga.
Ayon sa pulisya, dinakip si Flores sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Quezon City Regional Trial Court Judge Maria Gilda Loja.
Si Flores ay faculty member ng Department of Filipino at Philippine Literature sa UP Diliman at katatapos pa lang magsilbi bilang national president ng UP Academic Employees Union.
Miyembro din umano si Flores ng Alliance of Concerned Teachers.
Kaugnay nito, kinondena at nagsagawa naman ng kilos protesta ang mga progresibong grupo sa harap ng Kampo Karingal upang kondenahin at ipanawagan ang pagpapalaya sa propesor.
Ayon sa militanteng grupo, nalabag umano ang UP-DILG Accord of 1992 dahil nagpanggap na mga tauhan ng Department of Social Work and Development (DSWD) ang mga pulis na umaresto kay Flores.
“The arrest of Prof. Flores is an abominable attack by state security forces against teacher and union leader Professor Flores to harass and intimidate her and violate her basic rights. This only comes as the latest in the long record of brazen attacks by state security forces against teachers and unionists, as has been established by the High-Level Tripartite Mission conducted by the International Labor Organization last January 23-26, 2023 to investigate on trade union repression,” pahayag ng grupong ACT.
“We demand the immediate release of Prof. Melania Flores from detention! We demand accountability for the gross violations of the CIDG-PNP on the rights of Prof. Flores and on the UP-DILG Accord!,” ayon sa mga nag protesta.