HINDI pa man ganap na natugunan ng gobyerno ang pangangailangan ng mga apektadong residente sa paligid ng Bulkang Bulusan, nagbabadya rin ng posibleng pagputok ang Bulkang Taal sa BAtangas.
Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs), nakapagtala ng ang Bulkang Taal ng 74 na volcanic earthquakes sa nakalipas na 24.
Ayon sa PhiVolcs, tumagal ng dalawa hanggang tatlong minuto ang pagyanig ng bulkan noong Huwebes.
Buwan ng Abril nang makapagtala ang Taal ng kabuuang 283 volcanic earthquakes at 55 na volcanic tremors.
Nananatili sa Alert Level 1 ang Taal.
