Ni LILY REYES
PAGKATAPOS ng nakamamatay na init dulot ng El Niño, asahan naman ang mapaminsalang pagbaha na dala ng nakaambang La Niña phenomenon, babala ng grupong Greenpeace.
“We will be expecting wetter weather during the La Niña stages. So yun po yung kailangan paghandaan but at the same time kailangan mas urgent yung mga policies,” pahayag ni Greenpeace campaigner Jefferson Chua.
“Alarming is an understatement in this situation that we are in right now,” dagdag ni Chua.
Batay sa pagtataya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahan maramdaman ang epekto ng La Niña sa pagitan ng mga buwan ng Hunyo hanggang Agosto.
“Ang dapat natin paghandaan, syempre, yung ating mga flood-prone areas kung sakaling matuloy ang La Niña,” wika ni Ana Liza Solis na tumatayong hepe ng Climatology and Agrometeorology Division-Climate Monitoring and Prediction Section ng PAGASA.
Sa pagpasok ng La Niña, mas madalas at higit na mabigat ang buhos ng ulan.
Panawagan ng Greenpeace sa pamahalaan, isabatas ang panukalang climate damages tax na nagtutulak patawan ng buwis ang mga fossil fuel companies na bumubuga ng mataas na antas ng carbon.
Paliwanag ng grupo, gagamitin sa rehabilitasyon ang buwis na malilikom – “We all know carbon emissions are not just carbon emissions, they cost something in the society,” aniya pa.
“This is an extremely urgent matter because the cost of climate impacts are accelerating at a really rapid rate.”
