UMANI ng papuri mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang adbokasiya sa kalikasan ng SIPAG Foundation na itinaguyod ni Senador Cynthia Villar.
Nanawagan din ang DENR – National Capital Region sa publiko na suportahan ang mga programang naglalayong pangalagaan at protektahan kalusugan ng mga kabundukan, kagubatan at maging ang mga anyong tubig sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa ginanap na DENR-NCR Stakeholders and Partners Forum sa Radisson Hotel sa Quezon City noong Pebrero 15 ng kasalukuyang taon, personal na tinanggap ni Villar ang pagkilala sa itinatag na organisasyon.
Sa kanyang mensahe, ikinuwento ng senadora na ang Villar SIPAG ay palaging nagsisilbing ‘significant vehicle’ sa pagpapatuloy ng ilan sa kanyang mga programa at adbokasiya sa kapaligiran.
Ang pangunguna sa pangangalaga sa kapaligiran, aniya pa ang ilan sa mga programa ng foundation. Ito ay ang mga sumusunod:
- Sagip Ilog Para Sa Kinabukasan” na malaki ang naiambag sa paglilinis at rehabilitasyon ng dalawang ilog – ang Las Piñas- Zapote River at Las Piñas River, kasama ang iba pang daluyan ng tubig at estero na dumadaloy dito.
- Ang proteksyon at konserbasyon ng Las Piñas Parañaque Wetland Park (LPPWP), na pasok sa talaan ng mga ‘protected areas’ sa ilalim ng Expanded NIPAS Act of 2018. Ang Villar SIPAG ay nagbuhos ng mga resources, at nagpapatuloy sa mga proyekto at aktibidad upang patuloy na isulong ng LPPWP bilang protected area at ecotourism site.
Isang kilalang kampeon ng kapaligiran, pinuri ni Villar na ang kanilang Las Piñas-Zapote River System Rehabilitation sa inuwing kampeonato para sa United Nations Water for Life Best Practices Award noong 2011 kaugnay ng bukod tanging kontribusyon nito sa pagpapabuti ng kapaligiran ng pamumuhay at ang positibong epekto sa kalidad ng buhay ng mga tao sa loob isang metropolitan river basin.
Noong Nobyembre din noong nakaraang taon, itinanghal ang Villar SIPAG bilang isa sa mga nagwagi para sa environmental sustainability sa 23rd Energy Globe Award Ceremony. Nakatanggap ito ng 2022 Energy Globe National Honorary Certificate Award bilang pagkilala sa Las Piñas Kitchen Waste Composting Program nito.
Pinasalamatan ni Villar ang DENR-NCR sa pangunguna ni Regional Executive Director Jacqueline Caancan para sa parangal, kasabay ng pagpupugay sa iba pang ginawaran ng parangal.
“After all, our good work for the environment should be a never-ending story… a lifelong commitment. I wish that you could inspire more people to follow the good examples you have been doing for the environment.”